^

Metro

Mag-ama patay sa sunog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng mag-ama makaraang makulong sa kanilang bahay na nasunog kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
        

Kinilala ang mag-ama na sina Jose Chan, 62; at Jackie Chan, 26, kapwa residente ng #104 Esguerra Street sa  Barangay 75 sa nasabing lungsod.


Sugatan naman ang barangay tanod na si Ramil Teope, 31, na nagtamo naman ng mga paso sa kanang pisngi at kanang kamay.

Base sa imbestigas­yon ni FO2 Alvin Culianan ng Caloocan City BFP,  nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-4:47 ng hapon kung saan umabot sa 4th alarm ang sunog.


Bandang alas-6:14 ng gabi nang maapula ang sunog hanggang sa madis­kubre ang dalawang bangkay ng mag-ama sa paliku­ran ng kanilang bahay.


Tinatayang aabot naman sa  P2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo kung saan umabot sa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan.

 

vuukle comment

ALVIN CULIANAN

BANDANG

CALOOCAN CITY

ESGUERRA STREET

JACKIE CHAN

JOSE CHAN

KINILALA

RAMIL TEOPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with