^

Metro

Ka-live-in ng nanay, inutas ng anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinaksak at napatay ng isang 19-anyos na anak ang ka-live-in ng kanyang ina makaraang masaksihan ng una ang ginagawa nitong pananakit sa huli kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Ernesto Piga Jr., sa labas ng bahay nito sa  Obesis St., Pandacan, Maynila bunga ng tinamong tatlong saksak sa  katawan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si Sonny Boy Dangani III,  kasama sa bahay ng biktima at ina nitong si Rosalia Dangani.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas- 9:30 ng gabi sa  loob ng nasabing bahay habang nag-iinuman umano sina Ernesto, Rosalia at kapatid na si Ronnel Antipuesto nang biglang nag-away umano ang mag-live-in hinggil sa hinala ng nasawi na may ibang kalaguyo si Rosalia. Naawat naman umano ni Ronnel ang away ng dalawa hanggang sa iwanan na ang mga ito.

Lingid sa kaalaman ni Ronnel, nagpatuloy pa ang away ng dalawa hanggang sa dumating na si Sonny Boy at naabutang sinasaktan ng biktima ang ina kaya ito ipinagtanggol.

Dahil dito,  ang biktima at suspek na ang nagpang-abot na nauwi sa pagbubunot ng kani-kaniyang patalim at nagdwelo subalit minalas na masaksak ang biktima dahil sa kalasingan.

Nakatakbong palabas ng bahay ang biktima subalit bumag­sak­ na ito dahil sa tinamong saksak at hindi nagtagal ay binawian na ng buhay.Mabilis namang tumakas ang suspect na anak na ipinagtanggol lamang ang kanyang ina.

vuukle comment

ERNESTO PIGA JR.

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OBESIS ST.

PANDACAN

RONNEL ANTIPUESTO

ROSALIA

ROSALIA DANGANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with