^

Metro

71-anyos na lolo natagpuang patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 71-anyos na lolo nang matagpuan itong laslas ang leeg sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City kahapon.

Nakilala ang biktima na si Antonio Rodriguez, ng T. Santiago St., Brgy. Lingunan ng naturang  lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang Valenzuela City Police hinggil sa insidente at inaalam pa nila kung sino ang reponsable sa krimen.

Base sa ulat na naka­rating sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Po­lice, alas-9:45 ng umaga, da­dalhan sana ng pagkain ang biktima ng kasambahay na  si Danica Ann Gonzales, na nagtatrabaho sa canteen sa harap lamang ng bahay ng nasawi.

Subalit laking gulat ni Gonzales nang makitang nakahandusay ang biktima, na puno ng dugo ang ka­tawan habang laslas ang leeg at wala nang buhay.

Agad na sinabi ni Gon­zales sa kanyang amo ang insidente at kaagad namang ipinagbigay-alam sa mga pulis ang nangyaring krimen.

Nagsasagawa pa ng imbes­­tigasyo­n ang pulisya hing­gil sa insidente.

 

vuukle comment

ANTONIO RODRIGUEZ

DANICA ANN GONZALES

NAGSASAGAWA

POLICE SR. SUPT

RHODERICK ARMAMENTO

SANTIAGO ST.

SHY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with