^

Metro

Valentine Village bubuksan sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigit 2,000 couples ang uulitin ngayong Araw ng mga Puso sa kanilang binitiwang pangako ng pag-iibigan sa isa’t isa noong araw na sila ay ikinasal.

Gagawin ang seremonya kasabay sa pabubukas sa publiko ng kauna-unahang Valentine Village na matatagpuan sa C-6 Road sa Lower Bicutan Taguig City na pangungunahan nina Mayor Lani Cayetano at ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano. Ang mga kalahok sa aktibidad ay ang 2,256 na couples na ang mismong nagkasal ay si Mayor Lani mula nang  manungkulan siya bilang alkalde noong 2010.

 Ang  gaganaping special event na pangungunahan ng City Civil Registry Office ay ang kauna-unahan sa bansa kung saan magtitipun-tipon ang mga pareha na ikinasal ng siya ring opisyal na nagkasal sa kanila.

 â€œAng Valentine’s Day ay ang perpektong araw para ulitin ang ipinangakong pag-iibigan at muling tiyakin ang kanilang pag-iibigan sa isa’t isa. Paraan ito ng lokal na pamahalaan para panatilihing matatag ang ating pamilya na siyang basic unit ng ating lipunan,” pahayag ni Mayor Lani.  Ipinaliwanag ni Mayor Lani na akmang-akma rin ang lugar ng kauna-unahang Valentine Village dahil sa romantic setting nito.

Magsisilbing panibagong atraksyon sa mga Taguigueno  ang Valentine Village lalo’t mayroon itong naggagandahang ilaw at musikang makatutulong para maging romantiko at masaya ang kapaligiran na napapanahon  ngayong Araw ng mga Puso.

 

ANG VALENTINE

ARAW

CITY CIVIL REGISTRY OFFICE

LOWER BICUTAN TAGUIG CITY

MAYOR LANI

MAYOR LANI CAYETANO

PUSO

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

VALENTINE VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with