^

Metro

Lalaki pumalag sa holdap, patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki nang barilin ito sa ulo ng apat na holdaper matapos na pumalag ang una sa mga huli, kahapon sa Malabon City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang  si Rafael Baclea-An, 29,  ng Brgy. Longos ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang isang Iro Bonita,  ng Tumana, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas at tatlong hindi pa kilalang mga kasama nito na sinasabing humoldap at nakapatay sa biktima.

Base sa imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos ng naturang lungsod.

Papasok ang biktima sa trabaho at habang naglalakad ito sa naturang lugar ay biglang hinarang ito ng mga suspek, tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nanlaban naman ang biktima dahilan para ito barilin ng isa sa mga suspect.  Matapos ang isinagawang krimen ay mabilis na tumakas ang mga salarin at ang biktima naman ay dali-daling isinugod ng ilang mga taong naroroon sa naturang ospital, ngunit habang ginagamot ay binawian ng buhay.

vuukle comment

BRGY

IRO BONITA

LAPU-LAPU AVENUE

LONGOS

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

RAFAEL BACLEA-AN

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with