Fetus iniwan sa bus

MANILA, Philippines - Isang fetus na lalaki ang natagpuan matapos itong iwan sa isang bus na nakalagay sa isang maliit na kahon, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nabatid sa Navotas City Police, tinatayang nasa limang buwan ang fetus na dinala na sa Saint  Mark Funeral Homes.

Lumalabas sa report, alas-6:00 ng gabi  nang  gumarahe ang bus sa terminal sa  Brgy.  Bagumbayan North ng naturang lungsod at nakita ng konduktor na si Rolly de Guzman ang maliit na kahon. Itinapon ni De Guzman sa labas ng bus ang kahon na inakalang basura,  subalit nang makita ng ilang bata ay dinampot at nagbabakasakaling pakinabangan ang laman.

Nang buksan ay laking gulat nang makitang fetus ang laman na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis kung saan inaalam na kung sino ang responsable rito.

Show comments