^

Metro

Mister nanghostage dahil sa selos

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding selos ang dahilan kaya nagawang i-hostage ng isang mister ang kanyang 3 anak at 3 pamangkin sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakakulong sa Caloocan City Police detention cell at nahaharap sa mga kasong alarm and scandal at child abuse law ang suspek na si Emmanuel Palasol, 30, ng Phase 8-7, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Ferdie Del Rosario, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-7:30 ng gabi habang ang suspect na noon ay armado ng kut­silyo ay i-hostage ang kanyang mga anak at mga pamangkin na edad 12, 6, 10, 7, 4 at 3-anyos sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Hiniling ng suspek sa mga pulis na makausap ang kanyang misis na si Emily na pinagbigyan naman ng mga awtoridad at makalipas ang halos tatlong oras ay dumating ang misis na naging dahilan upang agad na pakawalan ni Palasol ang mga bihag at saka sumuko sa mga awtoridad.

Paliwanag ng suspek, magmula nang mahuli niyang may ka-textmate ang misis noong Nobyembre 2013, hindi na ito umuwi pa sa kanila at hinala niya ay mayroon na itong ibang lalaki.

Subalit, kinontra naman ito ni Emily at sinabi nito na sinadya niyang iwan ang mister dahil sa kawalan nito ng trabaho bukod pa sa madalas silang mag-away dahil sa sobrang pagkaseloso nito.

 

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EMMANUEL PALASOL

FERDIE DEL ROSARIO

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with