Buhay bayad sa utang
MANILA, Philippines - Buhay ang naging kapalit sa hindi mabayarang utang ng isang 26-anyos na obrero, nang puntaÂhan at saksakin ng kanyang pinagkakautangan sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.
Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Arsenio Sagao Jr., alyas Sadam, ng Block 17, Baseco, Port Area, MayÂnila sanhi ng tinamong saksak sa katawan.
Tumakas din kaagad ang suspek na nakilaÂlang si Jhin Paul Agtang, tinatayang 20-26 anyosÂ, matapos ang ginawang pananaksak.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Block 17 malapit sa GK HaÂbitatÂ, Baseco, Port Area.
Sa naging salaysay ng isang Noli Paral, 27, nagkukuwentuhan sila ng biktima nang biglang lumutang ang suspek at sinisingil umano sa utang ang nasawi.
Nang walang maibayad ay agad na bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima bago ito mabilis na lumisan.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay.
- Latest