Trike driver tinaga dahil sa selos
MANILA, Philippines - Matinding selos ang dahilan kung bakit pinagtataga ang isang tricycle driver ng isang lalaki makaraang malaman ng huli na may relasyon ang kanyang live-in partner at ang una kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.
Nasa kritikal na kondisÂyon at nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Menardo Rolluque, 39, Brgy. BayaÂnan ng naturang siyudad sanhi ng tinamong taga ng jungle bolo sa likod.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na alyas Joel, nasa hustong gulang, nakatira sa naturang lugar.
Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Ronnie Tamondong, ng Station Investigation Branch (SIB), Muntinlupa City Police, naganap ang inÂsidente ala-1:30 ng madaling-araw sa bahay ng suspek sa naturang lugar.
Nabatid na nalaman ng suspek na ang kanyang live-in partner na hindi na biÂnanggit ang pangalan at ang biktima ay may relasyon kaya sinugod nito ang biktima at pinagtataga.
Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.
- Latest