^

Metro

Kelot napagkamalang police asset, nilikida

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril nang malapitan sa sentido ang isang 27-anyos na tambay na tumagos sa  likurang bahagi ng ulo na kagyat na ikinasawi nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Francis Bautista, binata, residente ng Jacinto St., Tondo, na natagpuang nakasubsob pa sa isang palikuran.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril na pina­niniwalaang ginamit ng tumakas na suspek.

Sa ulat  ni SPO1 Cris­pino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:20 ng gabi nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril sa harapan ng isang pampublikong palikuran sa Building 4 Temporary Housing, Smokey Mountain, Tondo ng Brgy. 105 Zone 8.

Posibleng ang biktima na dumayo sa lugar ay pinaghinalaang police asset kaya binaril ng mga galamay ng mga ‘tulak’   sa droga sa  naturang lugar.

Ang labi ng biktima ay inilagak  sa Nathan Funeral Morgue, habang patuloy pa ang isinasagawang im­bestigasyon.

 

vuukle comment

BINARIL

BRGY

FRANCIS BAUTISTA

JACINTO ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

NATHAN FUNERAL MORGUE

SMOKEY MOUNTAIN

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with