^

Metro

Tatay inutas ng anak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi umano pantay na pagmamahal, isang ama ang pinatay sa saksak ng kanyang sariling anak na lalaki kahapon sa Pasay City.

Dead-on-arrival  sa Pasay City General Hospital si
Alfredo Villavert, Sr., 64,  ng  E. Rodriguez Ext., Pasay City  sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nadakip naman ang suspek na anak na umano’y drug addict  na si Alfred Villaver­, Jr., 30.

Naganap  ang insidente alas-12:30 ng tanghali sa loob ng bahay ng pamilya Villavert habang nakaupo sa sofa at nagpapahinga ang mag-asawang Alfredo
at Marietta Villavert,  nang la­pitan  ng suspek at ki­nom­pronta ang ama kaugnay sa umano’y hindi parehas na pagmamahal na ipinakikita sa kanyang mga anak.

Sinabi umano ng suspek na hindi niya madama ang pagmamahal ng isang ama at hirap na hirap na siya. Sa halip aniya na mamatay siya sa hirap, ang ama na lang niya ang
uunahin niyang patayin. Dahil sa sinabi ng anak, mistulang hinamon pa ng biktima ang anak na patayin na lamang siya kaya’t kumuha ng kutsilyo sa kusina ang suspek at paulit-ulit na pinagsasaksak ang ama sa harap ng nabiglang ina na
nagtangkang pigilan ang anak.

Makaraan ang pana­nak­sak, tumakas ang sus­­pek at nagtungo sa bahay ng kanyang kapatid sa Saint Mary St., sa Maricaban at inamin sa kanyang ate na napatay niya ang kanilang ama hanggang sa isinuko ito sa pulisya.

ALFRED VILLAVER

ALFREDO VILLAVERT

DAHIL

MARIETTA VILLAVERT

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RODRIGUEZ EXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with