^

Metro

Mister na pumatay sa misis at anak, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniharap na kahapon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez mister na respon­sable sa pagpatay sa kanyang misis at isa nilang anak   dahil sa matinding selos kung saan ang bangkay ng kanyang mag-ina ay iniwan pa sa compartment ng kotse na ipinarada sa harap ng kanilang bahay sa nasabing lungsod.

Ito ay matapos na madakip noong Martes ng hapon sa isang hotel sa Tuguegarao City, Cagayan ang  suspek na si Danilo Rafael Sr., 55.

Si Danilo Sr. ay uma­ming bumaril at nakapatay sa kanyang mag-ina na sina Fe Rafael, 54; at Danilo Jr., 18, noong nakalipas na Biyernes.    Natunton ng mga pulis ang suspect sa pinagtaguan nitong hotel sa  Tuguegarao City, Cagayan noong Martes ng hapon at nakumpiska dito ang isang caliber .45 at siyam na bala na siyang ginamit umano nito sa  pagpatay sa  kanyang mag-ina.

Ayon sa pulisya wala namang kaanak o kakilala si Danilo Sr. sa lugar kung saan doon lamang ito napadpad matapos itong sumakay ng bus matapos ang insidente.  Isang impormante ang nakakilala dito at  nagnguso sa suspek sa mga awtoridad.

Inamin ni Danilo Sr., na napatay niya ang kanyang mag-ina sanhi ng  matinding galit at selos, dahil nakabasa  siya ng text message sa cellphone ng kanyang misis mula sa lalaking pinagseselosan niya at nang kanyang usisain, agad aniya siyang pinagsusuntok nito.

Katwiran ng suspek, hindi niya plinano ang pagpatay  sa  kanyang mag-ina at self-defense lamang ang nangyari dahil habang nag-aaway silang mag-asawa, kumuha umano ng kutsilyo si Danilo Jr. at  tangka siyang sa­saksakin.

Kaya’t  kumuha aniya siya ng baril at ipinutok sa anak bago isinunod ang misis at nataranta umano siya nang makitang duguan at nangingi­say ang mag-ina kung kaya kumuha siya ng unan at iti­napat sa ulo ng anak saka mu­ling binaril hanggang mamatay.

Pagkatapos ng ginawa niyang pagpatay sa kanyang mag-ina sa  kanilang bahay sa Maragondon, Cavite, inilagay niya ang mga ito  sa compartment ng kanilang sasakyan at dinala  ang mga ito sa harapan ng bahay ng mga magulang ng kanyang misis  sa Timothy St., Multinational Village, Ba­rangay Moonwalk, Parañaque City at natagpuan ito noong Sabado ng madaling-araw.

vuukle comment

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

DANILO JR.

DANILO RAFAEL SR.

DANILO SR.

KANYANG

MAG

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with