^

Metro

Tondo fire: 3 natusta sa loob ng cr

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi sa sunog na naganap  kamakalawa ng  hapon sa Tondo, Maynila.

 Kinilala ang mga biktima na sina Gloria Calma, 76; kapatid nitong si Corazon, 72; at pamang­king si Rochelle Agarin, 37, ng 537-A, Francisco St., Tondo, Maynila.

Ayon  kay arson investigator, SFO3 John Joseph Jalique, ng Manila Fire Department, ala-1:20 ng hapon nagsimula ang sunog­ sa  bahay  ng mga biktima na umabot ng ikatlong alarma.

Ang   sunog at  na­apula dakong alas-2:20 ng hapon.

Sinabi ni Jalique,  nakita ang wala nang buhay na katawan ng mga biktima na magkakapatong sa loob ng comfort room sa nasabing bahay na pag-aari umano ng isang Raul Baltazar.

Hindi pa rin umano nila matukoy ang sanhi ng sunog na umano ay nagsimula sa unang palapag ng nasabing bahay.

Apektado sa sunog  ang sampung pamilya. Tinatayang kalahating mil­yong piso ari-arian naman ang naabo.

vuukle comment

APEKTADO

FRANCISCO ST.

GLORIA CALMA

JOHN JOSEPH JALIQUE

MANILA FIRE DEPARTMENT

MAYNILA

RAUL BALTAZAR

ROCHELLE AGARIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with