^

Metro

Bidding ng MRT, LRT‘one-ticket’ project dapat busisiin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling na busisiin ang resulta ng bidding para sa automated fare collection system (AFCS) ng MRT at Light Rail Transit na isinagawa kamakailan ng Department of Transportation and Communication (DoTC).

Ayon kay Atty. Conrad Tolentino, abugado ng E-Trans Solutions Joint Venture Inc. (E-Trans), isa sa mga lumahok sa bidding, na nararapat lamang buksan na ng DoTC at ipakita ang kanilang isinumiteng financial bid proposal.

Ipinaliwanag ni Tolentino na malaki ang tiwala ng E-Trans na mas makikinabang ang gobyerno at publiko sa bid nito, na nangangahulugang dagdag na kikitaing pera ng gob­yerno at maaaring bawas naman sa pasahe para sa milyong commuters ng LRT at MRT.

Hindi nagbibigay ng eksaktong numero ang E-Trans ngunit lumalabas sa ibang mga report na aabot sa higit kumulang P800 milyon ang dagdag sa bid ng E-Trans kumpara sa bid na P1,088,103,900 ng nagwaging AF Consortium at P1,088,000,000 bid ng isang consortium na pumangalawa lamang.

Nauna rito, sumulat din ang Embahada ng Turkey sa DoTC at hi­niling na bigyan ng patas na pagkakataon ang bid ng E-Trans.

Binatikos ni Turkish Embassy Commercial Counsellor Cezmi Beso­gul ang kagawaran kung bakit binigyan ng rating na ‘failed’ ang E-Trans para sa AFCS project.

Sinabi ni Besogul na ang Turkish company na Kentkart, ang technical partner ng E-Trans, ay binigyan sana ng pagka­kataong makilahok sa bidding.

Bunga nito, maa­aring bumagsak ang tiwala at interes ng mga Turkish investors sa ating­ bansa.

Sinabi ng DoTC, na may kakulangan diumano ang E-Trans sa ka­nilang technical proposal at tuluyang bina­sura ang bid proposal ng E-Trans.

Ngunit kapansin-pansin na hindi pinuna ng DoTC ang proposal nito tungkol sa hardware at software, “na siya namang puso ng bidding”, dagdag pa ni Tolentino.

 

BID

CONRAD TOLENTINO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

E-TRANS

E-TRANS SOLUTIONS JOINT VENTURE INC

LIGHT RAIL TRANSIT

SHY

SINABI

TRANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with