^

Metro

Ama utas sa saksak at taga ng anak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ama habang kritikal naman ang misis at isa nilang anak ma­tapos pagtatagain at pagsasaksakin  ng isa pang anak na sinasabing nabitin sa alak makaraang sawayin ng ina na huwag nang bumalik sa inuman sa Navotas City kama­kalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak at taga sa katawan ang biktimang si Valentino Minerales Sr., 62, habang ginagamot sanhi ng saksak sa katawan ang asawang si Pilar, 57 at saksak at taga rin sa katawan ang inabot ng anak na si Valentino Minerales Jr., 27,  pawang mga taga  Bariles St.,  Brgy. North Bay Boulevard South ng naturang  lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis  ang suspek na si Resty Minerales, 32,  ng nasabi pa ring  lugar.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insi­dente alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Minerales.

Nabatid, na  lasing na umuwi ang suspek at ma­tapos kumain ay binalak na bumalik sa inuman dahil nabitin ito, na pinigilan naman ng inang si Pilar. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ina hanggang sa kumuha ng patalim at itak ang suspek sabay saksak sa nanay.

Humingi ng tulong sa asawa at isa pang anak si Pilar at nang sak­lolohan ay ang tatay at kapatid naman ang binalingan ng saksak at mga taga sa katawan ng suspect bago tuluyang tumakas.

vuukle comment

BARILES ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

RESTY MINERALES

TONDO MEDICAL CENTER

VALENTINO MINERALES JR.

VALENTINO MINERALES SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with