^

Metro

Iniwan ng ka-live-in nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding depres­yon, nagbigti ang isang binata kahapon ng madaling  araw sa  Navotas City.

Wala ng buhay nang ma­tagpuan  ang biktimang si Ramil Andal, 48, ng Everlasting St., Bgy. Tanza ng naturang  lungsod.

Ayon sa Navotas City Police, alas-3:30 ng madaling-araw nang makita ang biktima na nakabigti ng nylon cord sa loob ng kanyang kuwarto ng kapatid na si Rodolfo.

Lumalabas na nakaga­wian ni Rodolfo na pagkagising ay ikutin ang kanilang bahay at nang matapat  sa kuwarto ng biktima ay laking gulat nang makitang sindi ang ilaw ng kapatid na hindi naman dating ginagawa ng biktima.

Binuksan ni Rodolfo ang pinto ng kuwarto at tumambad ang bangkay ng biktima  dahilan upang itawag sa mga pulis ang insidente.

Ayon sa kapatid, bago naganap ang pagpapatiwakal, naging malulungkutin ang biktima mula nang iwan ng dating kinakasamang hindi na nakuha ang pangalan.
Nabatid sa pulisya, na posible aniyang na-depress ang biktima nang iwan at hiwalayan ito ng kanyang ka-live-in.

 

vuukle comment

AYON

BGY

BIKTIMA

EVERLASTING ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

RAMIL ANDAL

RODOLFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with