^

Metro

OFW na may diperensiya sa isip naibalik na sa pamilya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinundo na kahapon ng kapamilya sa himpilan ng pulisya ang nawawalang ginang na Overseas Filipino Woker (OFW) na pinauwi mula sa bansang Dubai, dahil sa diprensiya sa pag-iisip.

Dakong alas 8:30 ng uma­ga nang puntahan sa Blumentritt Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District-station 3, ang OFW na itinago sa pangalang “Susan”, 39, ng Calauan, Laguna,  kung saan ito kinalinga ng mga pulis.

May ilang araw umanong nakikitang pagala-gala at nanlilimahid ang ginang kaya pinakain ito at pinatuloy sa presinto.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Arsenio Riparip, nang makita ang passport ng ginang ay nakipag-ugnayan sila sa Department of Labor at natuklasang  dumating sa bansa nitong Enero lamang subalit nawala ito pagtuntong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinontak ang pamilya upang agad na maibalik ang ginang.

Pinayuhan din ang pamilya na ipasuri sa doktor at magamot.

Ang ginang umano ay nawala sa katinuan kaya pinauwi ng bansa.

Nagpasalamat naman ang mister at pinsan ng ginang sa ginawang pagka­linga dito, ayon kay SPO3 Lui­sito Aguilar, desk officer ng
Blu­­mentritt PCP.

 

AGUILAR

ARSENIO RIPARIP

AYON

BLUMENTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCT

CHIEF INSP

DEPARTMENT OF LABOR

MANILA POLICE DISTRICT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS FILIPINO WOKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with