^

Metro

SPD nasa hot water sa kaso ni Vhong vs Deniece

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa balag ng alanganin ngayon ang mga imbestigador ng Southern Police District (SPD) kaugnay ng kontrober­s­yal na kaso sa pagitan ng aktor/TV host na si Vhong  Navarro at ng babaeng tinukoy nito na nagreklamo sa una ng tangkang panggagahasa na nangyari noong Enero 22 sa isang condominium unit sa The Fort, Taguig City.

Sinabi ni PNP Deputy Director General Felipe Rojas Jr., PNP Deputy Chief for Administration, isinasailalim na rin ngayon sa masusing im­bes­tigasyon ang mga imbestigador ng SPD upang alamin kung pumalpak ang mga ito sa paghawak ng kaso laban sa aktor at ng complainant nito.

Ayon kay Rojas layunin ng imbestigasyon na mabatid kung sinunod ng mga pulis ang proseso ng imbestigas­yon o kung may ginawa ang mga itong paglabag.

Kasabay nito, sinabi naman ni PNP-CIDG-National Ca­­pital Region (PNP-CIDG-NCR) Chief P/Sr. Supt. Ro­berto Fajardo na dapat tigilan na ang media war sa pagitan ni Vhong at ng babaeng tinukoy nito sa pangalang De­niece Milet Cornejo na nagreklamo sa una ng tangkang pangga­gahasa sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong kri­minal.

Sinabi ni Fajardo wala pa silang natatanggap na opisyal na reklamo laban kay Vhong  na nagpahayag ng saloobin sa isang television interview sa Buzz ng Bayan ng ABS-CBN Channel 2 kamakalawa.

“Unfortunately, there is still no complaint... Vhong Navarro is speaking to the media... but how can the PNP (Philippine National Police) act, when there is no complaint?” ani Fajardo.

Samantalang handa ring ma­kipag-usap ang kanilang mga imbestigador sa legal counsel ni Vhong hinggil sa kasong ito.

Sa panayam kay Vhong ay tinukoy nito ang isang nag­ngangalang Cedric Lee na isa umano sa nasa pitong lalaki na pinagtulungan siyang  bugbugin.

Sa kabilang dako ay inirek­lamo rin si Vhong  ng 22-anyos na estudyanteng si Deniece na binisita nito sa condominium ng tangka umanong pangga­gahasa.

Ang nasabing grupo ni Deniece sa pangunguna ni Ce­dric Lee ay dinala pa umano si Vhong sa himpilan ng SPD sa Taguig City upang ipa-blotter ang kaso na nilagdaan pa nito bilang Ferdinand Navarro.

Una nang pumalag ng blackmail si Navarro dahilan hinihingan umano siya ng grupo ng P200,000 na ginawang P500,000, P1M hanggang P2M na ayon sa aktor ay hindi na niya kayang maibigay.

Itinanggi naman ito ng kampo ni Deniece sa isang television interview sa pagsasabing ipinagtanggol lamang nila ang dalaga sa tangkang panghahalay ng aktor kaya binugbog ito.

 

vuukle comment

CEDRIC LEE

CHIEF P

DENIECE

DEPUTY CHIEF

DEPUTY DIRECTOR GENERAL FELIPE ROJAS JR.

FAJARDO

SHY

TAGUIG CITY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with