^

Metro

Sangkot sa nakawan itinumba ng 3 naka-bonnet

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 21-anyos na miyembro ng Sputnik gang na sangkot sa mga kasong pagnanakaw matapos itong pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang kalalakihan na nakasuot ng bonnet kamakalawa sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Victor Adarne, residente ng Victor St., Tramo, ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong  19 na tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .40 at .9mm na baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente alas-3:15 ng madaling araw sa panulukan ng M. Dela Cruz St. at Virginia Sts., sa naturang lungsod.

Ayon pa sa pulisya, bago nangyari ang insidente ay nanggaling si Adarne sa kanyang tiyo sa Tramo bago sinundo ang kinakasamang si Rose Ann Magas, 22 at apat na taong gulang na anak sa Esquerra St., para kumain sa Tolentino St.,

Nang bumalik ang biktima sa Victor St., kung saan siya naninirahan, nakita ng ilang testigo na may humahabol dito na tatlong kalalakihan hanggang magawang makapagtago sa isang eskinita sa Esguerra St.

Inakala ng biktima na ligtas na siya at nailigaw ang mga humahabol, subalit nang lumabas siya ng eskinita patungong M. Dela Cruz ay nakaabang na ang tatlong lalaking nakasuot ng itim na bonnet. Muli pa sanang tatakbo ang biktima subalit pinaulanan na siya ng bala ng mga salarin na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Batay sa rekord ng pulisya, sangkot sa iba’t-ibang kaso ng salisi at akyat bahay ang nasawi batay na rin sa mga nahalungkat na kaso sa korte na kinumpirma rin ng kanyang mga kaanak.

vuukle comment

DELA CRUZ

DELA CRUZ ST.

ESGUERRA ST.

ESQUERRA ST.

PASAY CITY

ROSE ANN MAGAS

TOLENTINO ST.

TRAMO

VICTOR ADARNE

VICTOR ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with