^

Metro

Binata nagselos sa pinsan, nagpakamatay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinasabing selos sa kanyang pinsan ang siyang dahilan kung bakit nagawa ng isang 20-anyos na binata na kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Christopher Abasolo, binata, RTW helper at residente ng M. Yulo St., Brgy. Hagdang Bato, Libis, Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng kanyang pinsan na kasama din sa trabaho na si Riza Gean Camacho, 19, ang biktima na nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang isang cord ng rice cooker na idinugtong sa kulay dilaw na nylon cord.

Ayon kay Climacosa, selos sa kanyang pinsan ang dahilan kung bakit nagawa nito na magpakamatay.

Nabatid na ang magpinsan ay parehong nagtatrabaho sa RTW store ng kanilang tiyahin sa Baclaran.

Nakasaad sa suicide note ng biktima, na nagselos siya sa kanyang pinsan dahil ang dating trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ng tiyahin ay ipinasa nito kay Riza.

“MAMA-TITO, Salamat po sa lahat-lahat tatanawin ko po utang na loob lahat ng kabutihan niyo sa akin mas mabuti na mawala ako sa mundo kaysa mag hirap ako sa kalye,” bahagi ng suicide note ng biktima na natagpuan sa kuwarto nito.

Ang isa pang suicide note ng biktima ay para umano sa pinsang buo na si Riza kung saan inihayag nito ang kanyang sama ng loob sa pinsan.

“Ikaw-Riza Camacho ang sisingilin sa lahat kung bakit nawala ang lahat sa akin, dahil sayo. Paalam,” nakasaad pa sa suicide note.

vuukle comment

AYON

BACLARAN

CHRISTOPHER ABASOLO

HAGDANG BATO

IKAW-RIZA CAMACHO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

RIZA

RIZA GEAN CAMACHO

YULO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with