^

Metro

Umiwas sa humahabol, patay sa lunod

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtakas sa humahabol sa kanya, isang 31-anyos na truck driver na tumalon sa Manila Bay sa ka­bila na hindi ito marunong lumangoy ang natagpuang patay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Hinihinalang apat na araw ng patay ang biktimang si Arnel­ Callada, ng MB Freight Trucking­ at residente ng C.P. Garcia St., Tondo.

Sa report ni  SPO1  Richard­ Limuco ng MPD-homicide section, dakong alas-9:00 ng umaga nang madiskubreng patay ang bik­tima sa seawall ng Manila International Container Terminal (MICT) sa Del Pan St., Parola, Tondo.

Ayon kay Jenalyn Sotero, 21, live-in partner ng biktima, huli siyang tinawagan ng biktima noong Enero 18  alas-9 ng umaga kung saan ipina­alam sa kanya na nasiraan ang kanyang minamanehong truck kaya kinakailangang niyang bumalik sa MICT. Simula noon ay wala na silang balita.

Dahil  sa ilang  araw nang hindi umuuwi ang asawa, nagtungo sina Jenalyn at biyenan nito sa Bgy 201 Zone 2 at sa tulong ni Bgy. Tanod Isidro Olaguer, nalaman nila na may isang lalaking natagpuang nakalutang sa seawall ng MICT hanggang sa nakumpirma nilang ang asawa nito ang na­tag­puang patay.

Nalaman din  ni Jenalyn na bago tumalon ang biktima ay hinahabol umano ito ng mga kalalakihan kaya paniwala nila na upang makaiwas ay tumalon na lamang ito sa tubig sa kabila na hindi umano ito marunong lumangoy.

vuukle comment

BGY

DAHIL

DEL PAN ST.

FREIGHT TRUCKING

GARCIA ST.

JENALYN

JENALYN SOTERO

MANILA BAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with