^

Metro

Kelot utas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nakalusot ang mga kriminal na riding-in-tandem nang pagbabarilin at mapatay ang isang lalaki sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Inisyal na nakilala ang na­sawi na si Jun Usman, nani­nirahan sa Muslim area sa Brgy. Sto. Niño, sa naturang lungsod. Matagumpay namang nakatakas ang mga sa­larin lulan ng isang motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad sa Ninoy Aquino Avenue sa may Brgy. San Dionisio ang biktima dakong alas-10:57 ng gabi nang lapitan ng isang lalaki at agad na pinagbabaril.  Mabilis na tumakas ang gunman nang umangkas sa isang motorsiklo.

Tumanggi naman ang ka­anak ng nasawi na isailalim ang bangkay ng biktima sa awtopsiya bilang paggalang sa kanilang relihiyon.

Blangko naman ang pu­lisya sa motibo ng mga sus­pek sa ginawang pamamaslang dahil sa hindi pakikipagtulu­ngan ng mga kaanak nito.

vuukle comment

BLANGKO

BRGY

INISYAL

JUN USMAN

MABILIS

NINOY AQUINO AVENUE

SAN DIONISIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with