^

Metro

‘Pasaway’ itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaking burdado ng tattoo sa buong katawan makaraang tirahin ng shotgun sa ulo at dibdib ng hindi nakikilalang salarin sa isang madilim na lugar sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, ang biktima ay nakilala sa pangalang Efren Escarcha, nasa pagitan ng edad na 30-35, nakasuot ng pulang t-shirt, brown na short pants at pulang bull cap. May tattoo din ito sa kanyang katawan na Joel, Tutanes, Jessica Arce, Joseph, Black Sheep, Ali at Mhelai.

Sabi ni Fabreag, ang biktima ay binaril ng hindi natukoy na suspek sa may bakanteng lote ng San Roque compound, Pingkian 1, Pasong Tamo, ganap na alas-11:45 ng gabi.

Base sa pahayag ng isang Michael Vasquez, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril malapit dito.

Nang kanyang tignan ang pinanggalingan ng putok ay saka nadiskubre ang duguang katawan ng biktima habang walang buhay na nakahandusay sa lugar.

Sinasabing pasaway umano sa lugar ang nasawi, base sa pahayag ng mga residente, kung saan  madalas na inirereklamo ito sa barangay dahil sa pang-aagaw ng baril.

Narekober sa lugar ang isang replica ng kalibre 45 baril na nakasukbit pa sa bewang nito at isang basyo ng bala ng 12 gauge shotgun na ginamit sa pagpatay sa kanya.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente­.

vuukle comment

ALI

AYON

BLACK SHEEP

EFREN ESCARCHA

JESSICA ARCE

MICHAEL VASQUEZ

PASCUAL FABREAG

PASONG TAMO

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with