Binata kinatay ng half brother
MANILA, Philippines - Patay ang isang binata maÂÂÂkaraang pagsasaksakin ng kanyang half brother matapos magtalo sa hiniram na audio speaker ng huli sa kanilang tatay sa lungsod Quezon.
Si Joseph Rico, 29, ay naÂgawa pang maisugod ng kaanak sa ospital, subalit hindi na rin umabot pang buhay dahil sa saksak sa dibdib at sikmura, ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso.
Ang suspek na kanyang half brother na si Jimmy CaÂbojaje, 32, ay mabilis na tumaÂkas makaraan ang krimen.
Nangyari ang insidente sa harap ng kanilang bahay sa Phase 2, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, ganap na alas-8 ng gabi.
Bago ito, nagpunta umano si Rico sa bahay ng kanyang tatay-tatayan na si Francisco Rico para hiramin ang mga speaker nito para magamit sa kanilang radyo.
Subalit, tumanggi si Francisco dahilan para magalit ang suspek at nagbitaw ng maÂanghang na salita sa una.
Kamakalawa nga ng gabi habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo.
Upang maiwasan ang maÂinit na pagtatalo, nagpasya ang biktima na umalis, suÂbalit binato siya ng suspek ng bote ng alak at tinamaan sa kanang paa.
Dahil dito, binalikan ng bikÂtima ang suspek, pero sinalubong na siya ng saksak ng huli sa dibdib.
Nang bumuwal ang biktima, ay muli itong sinaksak ng suspek sa sikmura.
Pero kahit sugatan, naÂgawa pang makatakbo ng biktima at makahingi ng tulong sa mga kaanak kung saan itinakbo ito sa Fairview GeÂneÂral hospital pero, habang ginagamot ay binaiwan din ng buhay.
- Latest