^

Metro

Chinese New Year sa QC pangungunahan ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang kauna-unahang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Banawe, Quezon City sa Enero 31, mula alas-4 ng hapon.

Sinabi ni Vice Mayor Belmonte na ang proyektong ito ng kanyang tanggapan ay ipatutupad upang bigyang pagkilala ang pagtulong ng Filipino-Chinese community ng QC sa pagpapalago ng ekonomiya ng lunsod.

Sinabi din ni Belmonte na layunin ng proyektong ito na mapaganda ang turismo sa Banawe na ngayon ay kinikilalang China Town ng QC.

“Ito ay bilang pagkilala sa Chinese community na tumutulong sa paglago ng ekonomiya ng QC at para naman maiparamdam sa kanila na nagagamit nila ang naibabayad nilang tourism fee kada taon,” pahayag ni Belmonte.

Ang isang araw na pagdiriwang ay katatampukan ng dragon dance at magbibigay ng discounts at promo ang mga restaurants dito, fireworks, street dance at iba pa.

May 135 establishments sa Banawe QC na sumasakop sa Bgy. Manresa, Sto. Domingo, St. Peter at Siena.

Ang programa ay ipatutupad sa pakikipag-tulungan ng Chinese Filipino Businessmen Association sa QC.

 

BANAWE

BELMONTE

CHINA TOWN

CHINESE FILIPINO BUSINESSMEN ASSOCIATION

CHINESE NEW YEAR

QUEZON CITY

SINABI

ST. PETER

VICE MAYOR BELMONTE

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with