Krimen sa Metro Manila target mangalahati ng NCRPO
MANILA, Philippines - Target ng National Capital Region Police Office na mangalahati ang bilang ng krimen sa Metro Manila sa 2015.
Iniutos ni NCRPO director Chief Superintendent Carmelo Valmoria sa kanyang mga tauhan na magdoble kayod upang makamtan ang kanilang target.
Sinabi ni Valmoria sa taunang New Year's Day Call sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City na tumaas ang bilang ng mga krimen nitong nakaraang taon dahil sa pagsasama ng mga blotter galing sa baranggay.
Iniutos ng hepe ng NCRPO ang kanilang target kasunod nang tumataas na bilang ng krimen sa Metro Manila, kabilang ang pamamaril sa apo ng tanyag na impersonator Willie Nepomuceno sa Marikina City.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang apo ni Nepomuceno matapos atakihin ng grupo ng kalalakihan habang nag-aalmusal sa isang kainan nitong nakaraang linggo.
- Latest