^

Metro

Binata umawat sa away, pinatay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 18-anyos na binata habang nasa kritikal na kondisyon ang ate nito ma­tapos saksakin ng dalawang  lasing na lalaki na kanila lamang inawat kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Paga­mutan Bayan ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Frede­rick Ajon, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Cen­ter sanhi rin ng mga saksak sa katawan ang ate nitong si Nerissa Ajon, 28, kapwa ng Block 3, Kadima, Letre Road, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Nakakulong sa Malabon City Police ang suspek na si Rowel Quiñonez, 32, kalugar ng mga biktima habang pinag­hahanap pa si Joseph Rubenecio, alyas Totoy, 29,  ng Purok 6, Hernandez St., Brgy. Catmon ng naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon ni P02 Jun Belbes, ng Station Investigation Branch (SIB), Malabon City Police, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi, malapit sa bahay ng mga biktima sa naturang lugar.

Nabatid, na kainuman ng biktimang si Frederick ang ilang kaibigan nang dumating si Quiñonez at nakisali.

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak ay bigla na lamang nagtalo sina Quiño­nez at isang nagngangalang Sadam at sandaling umalis ang una.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik si Quiñonez na may dalang jungle bolo at tinangka nitong tagain si Sa­dam, subalit inawat ng nasawi  ang suspek.

Nagbunot naman ng patalim si Rubenecio at pinagsasaksak si Frederick kung saan tinangka namang umawat ni Nerissa subalit, pinagsasaksak din ito ni Quiñonez.

Agad na dinala ang magkapatid sa nasabing pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay si Frederick at sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay naaresto si Quiñonez habang nakatakas si Rubenecio.

 

vuukle comment

BRGY

HERNANDEZ ST.

JOSEPH RUBENECIO

JUN BELBES

LETRE ROAD

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NERISSA AJON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with