^

Metro

Lola, pamangkin tiklo sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak sa pulisya ang 58-anyos na lola at pamangkin nito na magkasamang nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust ope­ration, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Taguig police Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ang mga naarestong suspek na sina Ele­nita Logica, at pamang­king si June Joseph Oreza, 38, kapwa naninirahan sa VP Cruz St, Lower Bicutan sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, ilang linggo munang tinitiktikan ng pulisya ang aktibidad ng mag-tiyahin dahil na rin sa sumbong ng mga kapitbahay sa talamak na pagbebenta ng droga ng mga ito sa lugar bago ikinasa ang buy bust operation matapos na makumpirma ang iligal na gawain.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang kumagat sa pagbenta ng isang pakete ng shabu, dinakma na ang dalawa ng mga nakaantabay na pulis. Nakumpiska sa da­lawa­ ang anim na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at P1,000 ginamit na marked money.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isasampa ng pulisya sa piskalya ng Taguig City laban sa magtiyahin ngayong araw ng Lunes. 

 

CHIEF INSP

CRUZ ST

DRUG ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

JERRY AMINDALAN

JUNE JOSEPH OREZA

LOWER BICUTAN

STATION ANTI

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with