^

Metro

1 sa 4 na suspek na bumaril sa apo ni Willie Nep, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ng mga awtoridad ang isa sa apat na suspek na bumaril  at malubhang nakasugat sa 16-anyos na apo ng sikat na impersonator na si Willie Nepomuceno na ikina­sugat din ng kaibigan nito sa Marikina City, kamakalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Reynaldo Jagmis, hepe ng Marikina City Police, ang nadakip na suspek na si Mark Bercilla, 30, na sinasabing natunton sa kanilang lugar sa Marikina Heights sa lungsod matapos na may makapagturo sa kanyang address.

Ayon sa ilang testigo, ang nadakip na suspek ay isa umano sa nakita nilang bumaril sa biktimang si Sean Gabriel­ Nepomuceno  at  kasama nitong si Franc Rayven, 17, kapwa ng Cainta, Rizal, na sakay ng Ford Fiesta.

Ang pamamaril sa biktima ay naganap dakong alas-2:50 ng madaling-araw nitong Huwebes sa Angels Hamburger­, sa Bayan-Bayanan Ave., corner Bugallion St., Brgy. Marikina­ Heights, Marikina City.

Kagagaling lang ng mga biktima sa isang computer shop kasama pa ang dalawa nilang kaibigan na sina Sherwin at Angelo at napagpasiyahan na bumili ng snacks sa Angels Hamburger ng bigla umanong dumating ang isang kulay puting Ford Fiesta na may plakang TIO-181 at bumaba ang apat na mga kalakihan na armado ng baril at basta nalang pinagbabaril ang mga biktima.

Sa isinagawang ocular inspection sa crime scene narekober ang limang basyo at isang live ammo ng kalibre.45 baril at dalawang basyo at live ammo ng caliber .40 na baril.

Sa pahayag ng mga awtoridad posible umanong ang nangyari  ay isang mistaken identity.

vuukle comment

ANGELS HAMBURGER

BAYAN-BAYANAN AVE

BUGALLION ST.

FORD FIESTA

FRANC RAYVEN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA HEIGHTS

MARK BERCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with