^

Metro

Sasakyan nagliyab sa Edsa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang pagkasunog ng isang sasakyan kahapon sa kahabaan ng EDSA Avenue­, Makati City.

Ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority­ (MMDA), Metro Base alas-8:00 ng umaga nang masunog ang isang sasakyan sa southbound lane ng EDSA-Gil Puyat Avenue, hurisdiksiyon ng lungsod ng Makati.

Ayon kay Charlie Nozares, isang staff ng MMDA, wala namang nasaktan sa naturang insidente dahil kaagad namang naitabi ang nasusunog na sasakyan sa emergency bay.

Kaagad na rumisponde ang mga bumbero para apulain ang malakas na apoy, subalit nagkulang aniya ang tubig nito. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang uri ng sasakyan ang nasunog, ano ang sanhi nang pagsiklab nito at kung sino ang may-ari nito.

vuukle comment

AYON

CHARLIE NOZARES

GIL PUYAT AVENUE

INIIMBESTIGAHAN

KAAGAD

MAKATI

MAKATI CITY

METRO BASE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with