^

Metro

Mister niratrat, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng hindi naki­kilalang suspek sa isang kalye sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Si Rene Reeder, 59, ng San Pedro St., Brgy. Commonwealth, ay agad na nasawi sanhi ng mga tama ng bala na tinamo sa kanyang katawan, ayon kay PO2 Rhic Pittong­.

Nangyari ang krimen, ganap na alas-6:45 ng gabi sa harap ng isang bahay sa nabanggit na lugar ilang hakbang lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Sabi ng testigong si Karen Joy Valledares, pamangkin ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang marinig ang mga putok ng baril mula sa labas.

Nang kanyang tignan ang pinanggalingan ng putok ay doon bumulaga umano sa kanyang harapan ang duguang katawan ng tiyuhin habang nakahandusay sa semento.

Agad na ipinagbigay alam ni Valledares ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng pulis para sa pagsisiyasat. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY

KAREN JOY VALLEDARES

NANG

NANGYARI

PATAY

PATULOY

RHIC PITTONG

SAN PEDRO ST.

SI RENE REEDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with