^

Metro

Bebot, itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay­ ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang  babaeng sinasabing ‘adik’ umano sa iligal na droga sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala lamang umano ang biktima sa alyas na Aura, nasa edad 25-30, kalbo ang gupit, nakasuot ng t-shirt na puti, pink ang jacket­ at maong na shortpants.

Sa ulat ni PO3 Jupiter  Tajonera ng MPD–Homicide Section, dakong alas- 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng tindahan ng isang Noli Aguilar sa Block 1, Gasangan, Baseco compound, Port Area.

Sinabi ni Aguilar na nakarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril na  hindi na niya pinansin dahil sanay na ang kanilang lugar sa ganitong mga insidente.

Makalipas ang isang oras ay nagbukas na ng tindahan si Aguilar at doon niya nakita ang duguang biktima na nakahandusay sa harapan ng kanyang tin­dahan.

Inireport niya ito sa barangay na nakasasakop.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, nagtamo ng mga tama ng bala sa noo at dibdib ang biktima na nag­resulta sa agaran nitong ka­matayan.

Nabatid na ang biktima ay nanggaling sa bahay ng kaibigang si Rolando Gadias. Ilan din ang nakapagsabi na madalas sa lugar ang biktima dahil lulong umano ito sa droga.

Pinag-aaralan din kung napaghinalaang police asset ang biktima kaya iti­numba ng mga sindikato ng iligal na droga sa lugar.

Samantala, isa namang lalaki ang binaril din at napatay sa may Aragon St., Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilala­ lamang sa alyas Anoy, may gulang na 35-40-anyos, may taas na 5’4, katamtaman ang pangangata­wan, nakasuot ng kulay gray na pantalon at walang pang-itaas­. Wala pang na­tutukoy na suspect ang mga awtoridad.

Dakong alas-5:42 ng hapon sa kasagsagan ng prusisyon ng Itim na Nazareno nang maganap ang insidente sa panulukan ng Aragon at Lacson Sts., Sta Cruz, Maynila.

Sa naging pahayag ni Jesus­ Mapugay, security guard ng Nesus Building, naka­rinig siya ng putok ng baril at nang lumabas siya upang alamin ay may nagsabi lamang sa kaniya na driver na may binaril na lalaki sa harapan ng gusali.

Patuloy pang inaalam ang pagkilanlan ng suspect at motibo sa pagpatay.

vuukle comment

AGUILAR

ARAGON ST.

BIKTIMA

HOMICIDE SECTION

LACSON STS

MAYNILA

NESUS BUILDING

PORT AREA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with