^

Metro

Bagitong parak itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nakaligtas ang isang bagitong pulis sa riding-in-tandem suspect makaraan siyang pagbabarilin at mapatay ng mga ito, kahapon ng madaling- araw sa Taguig City.

Agad na nasawi ang biktima na nakilalang si PO1 Aldrin Castro, 25, naka­talaga sa Quezon City Police District-Public Safety­ Battalion at naninirahan sa Mauling Creek, Brgy. Lower­ Bicutan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng MRT Avenue sa Brgy. North Signal­ dakong alas-4:10 ng umaga lulan ng kanyang motorsiklo. Nang sumapit sa kanto ng Castañas St., ginitgit na ito ng dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo.

Ayon sa saksing si Alma Gregorio, isang street sweeper, nakita niya na huminto sa pagpapatakbo ang pulis ngunit dito na sinamantala ng nakaangkas na salarin na barilin ito nang malapitan sa leeg dahil sa nakasuot ang pulis ng helmet.

Nang bumulagta ang pulis, kinuha pa ng isa sa salarin ang baril nito saka muling umangkas at tumakas tungo sa hindi mabatid na direksyon.

Blangko naman ang pu­lisya sa motibo ng pamamaslang na maaaring per­sonal na kaaway, mga nakabangga nito sa tra­baho o posible rin na “agaw-armas” ang motibo.

ALDRIN CASTRO

ALMA GREGORIO

BRGY

MAULING CREEK

NANG

NORTH SIGNAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-PUBLIC SAFETY

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with