^

Metro

Salawahan daw Ulo ng bebot, pinasabog ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Salawahan ka” “Tama lang sayo yan” “Adik ka.”

Ito ang sulat na iniwan ng isa sa mga naka-motorsiklong suspect ma­tapos na barilin sa ulo at leeg ang isang fish vendor na ikinasawi nito sa isang palengke sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Rosenda Calanno, 30, ng no. 962 Maligaya compound, Riverside St., Brgy. Commonwealth­ sa lungsod.

Ayon kay P02 Jogene Hernandez, dalawang hindi nakikilalang lalaki ang suspect na sakay ng isang Honda wave motor­cycle na walang plaka subalit isa lamang sa kanila ang bumaril sa biktima.

Nangyari ang insidente sa may harap ng tindahan ng biktima sa may loob ng Riverside market, Unit 3, Brgy. Commonwealth, ganap na alas-5:30 ng gabi.

Sabi ng testigong si Elaine Galicia, nag-aasi­kaso siya ng kanyang paninda habang kuma­kain naman ang biktima nang biglang dumating ang isa sa mga suspect at pinaputukan ang biktima sa ulo at leeg.

Nang bumuwal sa lupa ang biktima ay hinagisan ito ng suspect ng isang bagay, bago tuluyang umalis at sumakay sa naghihintay na kasamahang nasa motorsiklo at tumakas.

Agad namang tiningnan ni Galicia ang itina­pong papel ng suspect sa tabi ng biktima, kung saan nakasulat dito ang mga katagang “Sala­wahan ka” “Tama lang sayo yan” “Adik Ka.” 

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril, at tatlong tingga nito. Nagtamo rin ang biktima ng tatlong tama ng bala, dalawa sa ulo at isa sa kaliwang leeg.

Inaalam pa ng mga  awtoridad ang motibo sa krimen.

 

vuukle comment

ADIK KA

BIKTIMA

BRGY

ELAINE GALICIA

JOGENE HERNANDEZ

RIVERSIDE ST.

ROSENDA CALANNO

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with