^

Metro

Holiday sa Pista ng Nazareno, lumusot sa konseho ng Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumusot sa unang pagbasa sa City Council ng Maynila ang panukalang ordinansa na nagmumungkahing ideklara bilang special holiday sa lungsod ang ika-9 ng Enero­, araw ng Pista ng Itim na Nazareno.

Batay sa iniakda ni Manila Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing, ang namumuno ng Committee on Tourism, ang Pista ng Itim na Nazareno ay ang isa sa pinakamalaking religious procession na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto.

Karaniwan na rin aniya na inaabot ng buong araw bago tuluyang matapos ang prusisyon at maibalik ang Poon sa loob ng Simbahan ng Quiapo.

Dahil dito, naniniwala si Bagatsing na makabubu­ting ideklara bilang local holiday ang Kapistahan ng Itim na Nazareno nang sa gayon mabigyan ng pagkakataon ang mga deboto ng mas magandang pagkakataon para makiisa sa sagradong tradisyon.

Sa ganitong paraan din aniya ay hindi na rin mai-stranded o maiipit ang mga estudyante at mga empleyado na maaapektuhan ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa mga pangunahing lansangan sa Maynila dulot ng pag-usad ng prusisyon.

BAGATSING

BATAY

CITY COUNCIL

DAHIL

ITIM

MANILA COUNCILOR DON JUAN

MAYNILA

NAZARENO

PISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with