^

Metro

Tinira sa underpass 2 holdaper bulagta, 1 pa grabe

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang hinihinalang holdaper ha­­bang isa pa ang nasa kritikal na kalagayan ma­karaang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa may underpass, Taft Avenue, Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang isa na inilarawan sa edad na 35-40-anyos, may taas na 5’9, nakasuot ng camou­flage shorts, blue na t-shirt, rubber shoes at may tattoo na “Sharmyn” at “ BCJ-32” sa likod.

Habang nadala pa sa Philippine General Hos­pital ang isang Ariel Dalida, 24, ng Intramuros, Maynila subalit ilang minuto lamang ay idineklarang patay na dahil sa tinamong mga bala.

Sugatan naman ang isa pang biktima na si Rudy Fernandez, 23, ng Intramuros, Maynila sanhi ng tama ng bala sa kamay at katawan.

Hindi naman mabatid kung sino ang bumaril sa tatlo.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa underpass sa harapan ng Manila City Hall.

Una umanong nakita pang paikut-ikot sa lugar ang tatlo at hindi pa nagtatagal ay nakarinig ang mga vendor ng magkaka­sunod na putok ng baril hanggang sa nakitang duguan at nakahandusay na ang tatlo.

Posibleng ang tatlo umano na madalas sa lugar ay panghoholdap ang lakad dahil si Fernandez ay dati nang naaresto sa kasong panghoholdap.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

ARIEL DALIDA

INTRAMUROS

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

PHILIPPINE GENERAL HOS

RUDY FERNANDEZ

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with