^

Metro

Lalaki dedo sa saksak, bugbog ng kainuman

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mister ang pinatay sa saksak at bugbog ng isang grupo ng mga kalalakihan na kanyang kainuman sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Charlie Lontoc, 38, ng Balubaran, Bgy. Malinta ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang mga suspect na sina Jenny­ Tenorio, 42; alyas Tata at dalawang hindi pa kila­lang mga kasama ng mga ito. Batay sa ulat ng Valen­zuela City, naganap ang insidente alas-6:05 ng gabi habang nag-iinuman ang biktima  at mga suspect sa Sta.  Monica St., sa nasabing barangay nang kausapin ng una si Tenorio hindi kalayuan sa inuman.

Habang nag-uusap ay naglabas ng patalim si Tenorio at itinutok sa leeg ng biktima na nagawang maagaw ng huli sabay uwi sa kanilang bahay. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang biktima na may dalang tubo at hinamon si Tenorio at ang mga kainuman.

Isa sa mga suspect ang pumalo ng bato sa biktima at pagbagsak ay pinagtulungan pagsasaksakin nina Te­norio at Tata habang ang iba ay nakisuntok kay Lontoc.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspect habang dinala naman ang biktima sa naturang ospital. Inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng insidente.

 

vuukle comment

BALUBARAN

BATAY

CHARLIE LONTOC

MONICA ST.

TATA

TENORIO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with