^

Metro

2 dedo sa rambol ng 2 gang

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang kabataan at sugatan ang tatlo pa kabilang ang isang pulis matapos magkaroon ng rambulan  at magka-engkwentro ang dalawang magkalabang gang kahapon sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Caloocan Medical Center ang biktimang si Mark Joseph Yekla, 24, nakatira sa #29 Balagtas St., Bgy. 143, Bagong Barrio ng naturang lungsod, miyembro ito ng SAWAKO Gang, binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital ang isa pang biktima na si Chris Ford John Leyno, 19, residente naman ng #161 General Mascardo St., ng naturang lugar at miyembro naman ng DEMONS Gang. Ang dalawa ay nagtamo ng  mga  tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kabilang naman sa mga sugatan sina P01 Bryan Mara, ng Caloocan City Police, na nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital; Antonio Adap,  isang barangay tanod, ng #22 Adelfa St., Barangay 143, Bagong Barrio  ng nabanggit na lungsod at Wilson Malig, 30, isang waiter, nakatira sa nabanggit na lugar, ginagamot din sa MCU, ang mga ito ay nagtamo ng saksak sa kani-kanilang katawan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police na naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa Adelfa St., ng naturang lungsod nang magpang-abot ang SAWAKO at DEMONS, na humantong sa rambulan.

 Bunsod nito rumesponde ang mga pulis at barangay tanod na kinabibilangan nina P01 Mara at Adap at sa kasagsagan ng rambulan ay nasaksak ang nabanggit na mga biktima, gayundin ang bystander na si Malig.

Biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril hanggang sa nakita na lamang duguan  sina Yekla at Leyno at matapos ang kagu­luhan ay dali-daling isinugod sa mga nabanggit na pagamutan ang mga biktima.

Masusing iniimbestigahan pa ng Caloocan City Police ang naturang insidente at inaalam pa rin  kung kanino nanggaling ang mga balang tumama at nakapatay  kina Yekla at Leyno.

vuukle comment

ADELFA ST.

ANTONIO ADAP

BAGONG BARRIO

BALAGTAS ST.

BRYAN MARA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with