^

Metro

Driver na sumaksak sa among Koreano, sumuko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumuko sa hepe ng San Juan City Police kamakalawa ng hapon ang isang family driver na nanaksak sa amo niyang Koreano sa Pasay City noong nakaraang Disyembre 19.

Sinabi ni San Juan City Police chief, Sr. Supt. Joselito Daniel, na ipinasa na nila sa Pasay Police ang kustodiya sa suspek na si Froilan Escarmosa, 37-, ng Balut, Tondo, Maynila.

Sinabi ng hepe na unang tumawag sa kanilang tanggapan ang isang kaibigan ni Escar­mosa at nagpahayag ng intensyon ng pagsuko sa kanya. 

Dakong alas-4 ng hapon nang pormal na sumuko kay Daniel si Escarmosa kasama ang misis nito at anak. Agad naman silang nakipag-ugna­ yan sa Pasay Police para ligtas na mai-turn-over ito at kaharapin ang kasong frustrated homicide na isinampa laban sa kanya.

Sa rekord ng Pasay Police, sakay si Escarmosa at among si Young Jun Lee ng sasakyan ng huli sa may Macapagal Avenue at patungo sana ng Cavite upang hanapin ang kasintahan ng dayuhan para singilin sa utang nitong P4.4 milyon nang magtalo ang dalawa.

Dito nagbunot ng patalim si Escarmosa at sinaksak ang among Koreano na nagawang makalabas ng sasakyan at ma­katakas.

Patuloy namang kinukunan ng kanyang salaysay si Escarmosa ng mga tauhan ng Pasay Police para sa kanyang depensa.

 

vuukle comment

ESCARMOSA

FROILAN ESCARMOSA

JOSELITO DANIEL

KOREANO

MACAPAGAL AVENUE

PASAY CITY

PASAY POLICE

SAN JUAN CITY POLICE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with