^

Metro

Hihiwalayan ng ka-live-in, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa bantang hihiwalayan ng kinakasama, isang binata ang nasawi matapos itong  magbigti sa kanilang gate kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Patay na nang makita si Roylan Monferi, 19,  ng Malaria, Tala ng naturang lungsod.

Nabatid na gabi pa lamang ay  nagtalo na ang biktima at ang ka-live-in na si Mariah Torres, 19 kung saan nagbantang makikipaghiwalay na sa kanya  ang babae.

Pagsapit ng alas-5:00 ng umaga  nang magising si Torres kung saan nakitang nakabigti na ang biktima ng nylon cord sa kanilang gate.

Ayon sa pulisya, posibleng dinamdam ng biktima matapos na magbanta ang kinakasama na hihiwalayan ito.

Samantala, isang dalagang Indian national ang nagtangkang magpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng Zonrox matapos makipagtalo sa kanyang  ina sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Manila Central University(MCU)  Hospital si Avina Kauk, 19,  ng Rivera st., Sta. Quiteria ng lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, alas-6:00 ng gabi, nakatalo ng biktima ang kanyang ina sa loob ng bahay hanggang sa pumasok sa loob ng banyo ang una at doon lumagok ng Zonrox.

Sumusukang lumabas ng banyo ang dalaga na naging dahilan upang dalhin ito ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital.

AVINA KAUK

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MARIAH TORRES

ROYLAN MONFERI

ZONROX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with