Paputok, pailaw ban pa rin sa 3 barangay sa Makati
MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na taon, nagpapatuloy ang ban sa lahat ng uri ng paputok at pailaw sa tatlong barangay sa Makati City na naapektuhan ng naganap na gas leak noong taong 2010.
Sinabi ni Makati Mayor Junjun Binay na tuloy ang pagbabawal sa lahat ng firecrackers ang mga barangay Bangkal, Magallanes at Pio del Pilar. Bukod sa pagpapaputok, kabilang rin sa ban ang pag-iimbak, pagtitinda, at pamamahagi ng anumang uri ng firecrackers.
Ayon sa alkalde, nagpapatuloy naman ang “cleaning phase†sa bisinidad ng West Tower Condominiu m sa Brgy. Bangkal kung saan nadiskubre sa basement nito ang tagas sa langis sa pipeline ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC).
Sa ilalim ng City Ordinance no. 2010-A-020, lahat ng lalabag sa firecrackers ban ay pagmumultahin ng P5,000 o anim na buwang pagkakabilanggo. Sa mga korporasyon na lalabag, ang presidente o general manager nito ang mananagot.
Sa buong lungsod ng Makati, ipinagbabawal naman ang pagbebenta ng anumang uri ng paputok sa mga menor-de-edad na may edad 15-anyos pababa base sa Ordinance no. 1997-290. Ang mga lalabag naman ay papatawan ng multang P1,000 o pagkakulong ng hanggang 15 araw.
- Latest
- Trending