^

Metro

Empleyada ng sanglaan pumalag sa holdap, todas

Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Muli na namang nalusutan ng kilabot na  riding-in-tandem  ang pulisya makaraang holdapin at pagbabarilin ang emple­yada ng isang sanglaan na magdedeposito sana ng malaking halaga ng salapi, kahapon ng umaga.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Raquel Ricafrente,  empleyado ng Tambunting Pawnshop sa may Calatagan St., Brgy. Pala­nan, Makati City.

Sa ulat, magdedeposito sana ng P400,000 kinita ng sanglaan ang biktima sa kanilang banko dakong alas-11 ng umaga.  Kalalabas pa lamang nito ng tanggapan dala ang bag ng pera nang harangin na ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo at pilit na hinablot ang bag.

Nakipag-agawan pa umano ang biktima sa mga salarin kaya ito pinagbaba­ril sanhi ng kanyang agad na kamatayan.  Mabilis namang tumakas ang mga holdaper lulan ng motorsiklo ngunit hindi natangay ang bag ng pera.

Sinabi ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na bineberepika nila ang pahayag ng ilang saksi na nagtamo rin ng tama ng bala ang gunman nang aksidenteng pumutok ang baril nito habang isinusukbit sa tagiliran.

Inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na suyurin ang mga pagamutan at mga klinika sa lungsod sa pag-asang isusugod ito ng kasamahan.

Inaalam naman ng pu­lisya ang eksaktong halaga ng perang laman ng bag makaraang P130,000 na lamang ang marekober sa loob nito.

BRGY

CALATAGAN ST.

INAALAM

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MANUEL LUKBAN

RAQUEL RICAFRENTE

SR. SUPT

TAMBUNTING PAWNSHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with