Ginang niratrat, patay
MANILA, Philippines - Isa na namang ginang ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakatayo sa labas ng kanilang bahay kamakalawa sa Navotas City. Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa kanang sentido ang biktimang si Edna Malihan, 53, ng Champaca St., Brgy. North Bay BouleÂvard South ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-5:30 ng hapon habang nasa labas ng kanilang bahay ang biktima nang lapitan ito ng suspek at walang sabi-sabing barilin.
Kaagad na bumuÂlagta ang ginang na naÂging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang ang suspek naman ay mabilis na tumakas.
Nagsasagawa na ng malalimang pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa insidente.
- Latest