^

Metro

Vendors kinotongan, brgy chairman timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang  barangay chairman  sa Maynila matapos umanong kotongan ng  halagang  P15,000 ang 10 vendor ng prutas, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Iniharap ni Manila Mayor Joseph Estrada  sa mga mamamahayag ang  suspect na si Richmond Liu, 37, ng Tondo, Maynila. Si Liu ay brgy. chairman sa  Brgy. 285 Zone 26.

Batay sa report ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng Manila Action and Special Assignment (MASA),  isa sa mga vendor ang nagtungo sa kanyang tanggapan upang  ireklamo ang   panghihingi ni Liu sa kanyang mga kapwa vendor ng prutas  ng  P15,000 bawat isa. Makapagtitinda lamang umano ang mga vendor kung magbibigay ng  nasabing halaga.

Bunga nito agad na isinagawa ang entrapment operation dakong alas-3:45 ng  hapon sa mismong barangay hall ni Liu kung saan dinakma ito sa aktong tinatanggap ang  marked money. Nagtataka rin ang mga vendor kung bakit ngayon lamang sila hiningan ng na­sabing  halaga samantalang halos limang taon na silang nagtitinda sa  lugar.

Ayon  naman kay Estrada, mahigpit ang kanyang kautusan na bawal ang panghihingi o anumang   pangingikil lalo na sa mga vendor.

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

LIU

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

RICHMOND LIU

SI LIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with