^

Metro

Mister napatay dahil sa biruan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Biruan at kantiyawan lamang na nauwi sa kamatayan ng 29-anyos na mister matapos itong barilin ng kanyang kapitbahay sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Mario Cruz ng Pasig Line St.  dahil sa bala na tinamo sa dibdib. Pinaghahanap naman ng pulisya ang  suspect na si Mario Calub, 32, miyembro ng Bahala-na-Gang. Sa ulat ni SPO2 Milbert  Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, sinasabing sunud-sunod ang asaran at kantiyawan ng dalawa hanggang sa mapikon ang suspect at naasar-talo hanggang sa umalis subalit nagbanta na babalikan ang biktima. Ilang minuto ang lumipas at bumalik ang suspect at  isinagawa ang krimen. Isang kaibigan ang nakakita kaya inagaw ang baril na hawak ng suspect upang huwag iputok subalit nakalabit ang baril at tumama sa biktima.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

BAHALA

BALINGGAN

BIRUAN

IDINEKLARANG

ILANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO CALUB

MARIO CRUZ

PASIG LINE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with