^

Metro

2 bangkay nadiskubre sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Isinalarawan lamang  ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang mga biktima na nasa edad 17-20 anyos, nakasuot ng pulang t-shirt at camouflage na short, at may taas na 5’4’’ habang ang isa naman ay nasa pagitan ng edad na 55-60, naka­suot ng asul na t-shirt at itim na short pants, at may taas na 5’4’’.

Ayon kay SPO2 Cris Zaldarriaga, ang unang  biktima ay nadiskubre sa may kahabaan ng Sto. Niño St., Brgy. Payatas B, ganap na alas-5 ng umaga.

Isang Dennis Devabora, purok leader sa lugar ang umano’y nakatanggap ng tawag hingil sa nasabing bangkay at agad naman nilang itinawag ito sa pulisya. Sa pagsisiyasat ng awtoridad, ang biktima ay nagtamo ng sunog sa kanang bahagi ng kanyang tadyang na ikinamatay nito.

Hinala ng awtoridad posibleng magnanakaw ang biktima sa isang bahay sa lugar pero minalas na makuryente. Gayunman, inaalam pa ng awtoridad ang tunay na ugat ng pagkamatay nito.

Samantala, ang ikalawang  biktima ay nakita sa may tabi ng isang bahay sa #76 Pawai St., corner Kapiligan St., Brgy., Doña Imelda, ganap na alas 5:30 ng umaga.

Sabi ng testigong si Rolando Legaspi, magpaparada sana siya ng minamanehong 6 wheeler truck  nang ma­tagpuan niya ang nasabing biktima na nakahandusay at napapaluputan ng packaging tape ang magkabilang kamay habang ang leeg naman nito ay napupuluputan ng wire.

Agad namang ipinagbigay alam ni Legaspi ang insidente sa mga awtoridad.

Sinabi ng awtoridad, posibleng ang matanda ay biktima ng summary execution at itinapon lamang sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon. Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

BIKTIMA

BRGY

CRIS ZALDARRIAGA

GAYUNMAN

ISANG DENNIS DEVABORA

KAPILIGAN ST.

PAWAI ST.

PAYATAS B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with