^

Metro

2 holdaper sa bus, timbog

Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper ang arestado matapos biktimahin ng mga ito ang dalawang dalaga sa isang pampasaherong bus sa Caloocan City kahapon ng umaga. Nakakulong sa Caloocan City Police  ang mga suspek na sina Reygie Radam, 19 at Gino Tagle, 18,  kapwa ng Quezon City.

Sa pahayag ng mga biktimang sina Jhenty Paga at Mhaylanie Mesina, alas-11:30 ng umaga, ay nakasakay nila ang mga suspek sa pampasaherong bus at pagsapit nila sa EDSA Avenue, Caloocan City  ay naglabas ng mga baril ang mga suspek at tinutukan ang mga biktima.

Kinuha ng mga suspek ang mga cellphone ng mga biktima bago pumara at bumaba ng bus,  subalit sumunod ang mga biktima at nang makakita ng mga nagpapatrolyang mga pulis ay agad na humingi ng tulong kung saan nadakip ang mga suspect at nabawi ang mga kinulimbat sa kanilang biniktima.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DALAWANG

GINO TAGLE

JHENTY PAGA

KINUHA

MHAYLANIE MESINA

QUEZON CITY

REYGIE RADAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with