Karambola ng 3 sasakyan: 3 sugatan

MANILA, Philippines - Tatlo ang sugatan, isa ang nasa kritikal na kondisyon nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo at kotse sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang  si Rodelo Padugar, 31, driver ng Yamaha Mio (8379-UD) habang sugatan din sa insidente   sina Winnie Millejor, 40, driver ng isa pang motorsiklo  at Roy Navarro, driver naman ng Nissan (ZDB-580).

Batay sa ulat ng Valenzuela City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-7:00 ng umaga habang binabagtas ng dalawang motorsiklo ang Mindanao Avenue, Brgy. Ugong ng naturang lungsod at pagsapit sa panulukan  ng Ugong Sulok  ay lumitaw ang kotseng Nissan na minamaneho  ni Navarro. Nakabanggaan  ni Padugar si Navarro hanggang bumangga rin ang kasunod na si Millejor na naging dahilan upang isugod ang mga ito sa naturang ospital. Inaalam na ng mga pulis kung sino ang dapat managot sa naganap na insidente.

 

Show comments