^

Metro

Holdaper utas sa parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 45-anyos na lalaking sinasabing nagtangkang humoldap sa misis ng isang pulis, sa Adriatico St., Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa pamamagitan lamang ng nakuhang PhilHealth card kinilala ang nasawi na si Anthony Amarillento, tubong Misamis Oriental.

Binibiktima naman umano ng holdap ni Amarillento ang isang Amelia, maybahay ni  SPO1 Joel Aquino, 36, nakatalaga sa Manila Action and Special Assignment (MASA) Manila City Hall, ng Coral St., Dagupan, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -10:45 ng gabi, kamakalawa nang maganap ang insidente sa tapat ng Yin Yang Balanced massage parlor sa Malate, Maynila.

Kagagaling lamang umano sa pagsisimba sa Baclaran ang  mag-asawang Aquino  na dumaan sa Malate upang kumain nang unang bumaba at naglakad si Amelia, habang pumaparada pa ng sasakyan si SPO1 Aquino nang lapitan at tangkang holdapin ng una.

Nag-react si SPO1 Aquino at nagpakilalang pulis subalit inundayan umano siya ng saksak ni Amarillento kaya napilitang bumunot ng baril,

Mabilis na humingi umano ng responde si Amelia sa kalapit na PCP-Pedro Gil at sumaklolo si PO1 Isagani Jimenez, na inabutang naagawan pa diumano ng baril si SPO1 Aquino  nang magpambuno ang dalawa ay pumutok paitaas.

Nagpasiya umano si Jimenez na paputukan si  Amarillento na ikinabulagta nito.

Isinugod pa ng dalawang pulis sa Ospital ng Maynila ang hinihinalang holdaper subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

ADRIATICO ST.

AMARILLENTO

ANTHONY AMARILLENTO

AQUINO

CORAL ST.

GLENZOR VALLEJO

ISAGANI JIMENEZ

JOEL AQUINO

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with