Mister utas sa tandem
MANILA, Philippines - Utas ang isang mister habang isa pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa labas ng bahay ng una sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Si Ruben Constantino, 47, ay agad na biÂnawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Habang si Eduardo Mallari, 50, ay nakaratay naman sa ospital dahil sa tama ng bala sa bahagi ng kanyang likod.
Ayon kay PO2 Julius Raz, ang dalawa ay pinagbabaril ng mga suspect habang nasa harap ng bahay ni ConsÂtantino na matatagpuan sa Major Marcos St., Area 4, 5th St., Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas- 11:30 ng gabi.
Agad na tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Hindi pa mabatid kung ano ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang may gawa.
- Latest






















